Posts

"Bayan Ko"

Image
"Bayan Ko" Jose Corazon de Jesus Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto't bulaklak Pag-ibig na sa kanyang palad Nag-alay ng ganda't dilag. At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka Nasadlak sa dusa. Ibon mang may layang lumipad kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal dilag Ang di magnasang makaalpas! Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha ko't dalita Aking adhika, Makita kang sakdal laya. Si Jose Corazon de Jesus , o mas kilala sa sagisag na Huseng Batute , ay isang Pilipinong makata, na sumusulat sa wikang Filipino upang ipahayagang kanyang pagnanais ng kalayaan mula sa pananakop ng mga Amerikano. Tinaguriang “Hari ng Balagtasan,” kilala si Huseng Batute sa kaniyang tula na pinamagatang “Bayan Ko". Ipinanganak noong Nobyembre 22, 1896, isinilang si De Jesus kasabay ang panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Sa kaniyang kabataan ay nakapagtapos siya ng pag-aaral para maging mambabatas , ngunit hindi niya...